Skip to the main content block
::: Home| Sitemap| Podcasts|
|
Language
Push Notifications ng Mga Popular na Balita
繁體中文 简体中文 English Français Deutsch Indonesian 日本語 한국어 Русский Español ภาษาไทย Tiếng Việt Tagalog Bahasa Melayu Українська Sitemap

Ayon sa opisyal ng seguridad ng Pilipinas: Tip ng iceberg lamang ang mga nahuling Chinese spy, at inaasahang marami pang mahuhuli sa mga susunod na linggo

31/01/2025 12:00
Editor ng Pagsulat: Abby
Photo from 達志影像
Photo from 達志影像

Isang mataas na opisyal ng pambansang seguridad ng Pilipinas ang nagsabi noong ika-29 na malawak ang spy network ng China sa Pilipinas, at ang mga kamakailang nahuling mga espiyang Chinese ay "tip ng iceberg" lamag. Ayon kay Jonathan Malaya, tagapagsalita ng National Security Council (NSC), inaasahan pa ang karagdagang mga pag-aresto sa mga susunod na araw at maglalabas pa ang gobyerno ng higit pang mga kasong na-uncover.

Tinatayang dalawang linggo na ang nakalipas nang arestuhin ng mga ahente ng NBI ang isang Chinese na si Deng, na matagal nang nakatira sa Pilipinas. Inakusahan siyang nagmamaneho ng sasakyan na may mga kagamitan pang-surveillance upang mangalap ng impormasyon hinggil sa mga military base.

Noong ika-25 ng Enero, itinanggi ng Embahada ng China ang mga paratang, at sinabi ng asawa ni Deng noong ika-27 ng Enero na hindi siya espiyang Chinese. Ngunit ayon kay Malaya, matagal nang mino-monitor si Deng at may sapat na ebidensya ang gobyerno laban sa kanila.

Binanggit din ni Malaya na si Deng ay "tip ng iceberg" lamang ng espionage activities ng China sa Pilipinas. Kumpirmado rin nila na ilang Chinese ang nahuli sa Palawan dahil sa espionage, kabilang ang mga nagkuha ng video ng Philippine Coast Guard vessels.

Ayon kay Malaya, patuloy ang imbestigasyon at inaasahan pang maraming mahuhuli. Nanawagan din siya sa publiko na mag-ulat ng mga kahina-hinalang tao.

為提供您更好的網站服務,本網站使用cookies。

若您繼續瀏覽網頁即表示您同意我們的cookies政策,進一步了解隱私權政策。 

我了解