close
RTI to GoDownload RTI APP now
Open
:::

85% ng 531 patients na may free lung cancer screening ay na-diagnose ng early-stage cancer sa loob ng isang taon

  • 27 July, 2023
  • 汪馬雪莉
85% ng 531 patients na may free lung cancer screening ay na-diagnose ng early-stage cancer sa loob ng isang taon
Sa unang anibersaryo ng free lung cancer screening, Health and Welfare Xue Ruiyuan (gitna), Director of the National Health Service Wu Zhaojun (kaliwa), at doctor Yang Zhengda nanawagan sa publiko para sa early screening. (Larawan: Liu Pinxi)

Nagpatupad ang National Health Department ng free lung cancer screening para sa mga high-risk subjects simula noong July 1 ng nakaraang taon. Simula noon hanggang ngayong nag-isang taon na ito, higit-kumulang na 50,000 tao ang sumailalim sa screening sa buong bansa at 531 na kumpirmadong kaso ang natuklasan, kasama na ang early (stage 0 and 1) cases na nasa 85%. Sinabi ng Minister of Health and Welfare Xue Ruiyuan na tinatayang nasa 500,000 katao sa buong bansa ang maaaring sumailalim sa screening, subalit nasa 50,000 tao pa lamang ang tested, kung kaya’t nanawagan ito sa publiko na sumailalim na sa screening sa lalong madaling panahon.

Ang lung cancer ang uri ng cancer na may pinakamataas na death rate sa buong mundo. Kahit na ang death rate sa bansa ay bumaba nitong nakaraang taon, ito pa rin ang unang sanhi ng cancer death, na kasama sa one-fifth ng kabuoang cancer deaths ng nakaraang taon. Simula noong July 1 ng nakaraang taon, isinama ng National Health Administration ang lung cancer screening sa panlimang (5th) cancer screening ng bansa at nagbibigay ng libreng low-dose computed tomography tuwing makalawang taon para sa dalawang high-risk groups ng lung cancer, may family history ng lung cancer, at may heavy smoking history. Ito ang kauna-unahang bansa sa buong mundo na nagbibigay ng lung cancer screening para sa mga taong may family history ng lung cancer at mga heavy smokers.

Nagsagawa ng isang press conference si National Health Commissioner Wu Zhaojun noong ikatlo at binigyang-diin na pagkatapos ng anibersaryo ng lung cancer screening, 49,508 na tao sa buong bansa ang na-check at 531 ang kumpirmadong may lung cancer, kung saan 85.1% nito ay nasa early (0 and 1 stage) cases pa lamang. May kabuoang 452 tao ang nagpakita na LDCT lung cancer screening ay talagang nakakatulong para sa early detection ng lung cancer; sa mga kumpirmadong kaso, 396 na tao ang may family history ng lung cancer 118 ang heavy smokers, at 17 tao ang parehong heavy smokers at may family history.

Sinuri ni Yang Zhengda, director ng Taiwan Lung Cancer Society at isang physician na ang lung cancer screening ay para sa karamihan ng mga taong may family history dahil mayroon na silang personal na karanasan kung anong sakit ito sa miyembro ng kanilang pamilya. Samantala, mababa ang screening rate para sa mga heavy smokers dahil alam na ng mga taong ito na maaari ka talagang magkaroon ng cancer dahil sa paninigarilyo, pero ayaw mo itong harapin.

Ayon kay Minister of Health and Welfare Xue Ruiyuan, may tinatayang 500,000 tao sa buong bansa ang nakatugon sa pamantayan ng pagkakaroon ng lung cancer family history at heavy smoking, subalit nasa 50,000 tao pa lamang ang na-screen. Nanawagan siya sa mga taong nasa pamantayan na sumailalim na sa screening sa lalong madaling panahon. Ayon sa kanya: “Tinataya natin na mayroong 500,000 tao sa kabuoan ng populasyon ng Taiwan ang karapat-dapat, subalit nasa 50,000 tao lamang ang na-screen, kung kaya’t umaasa kami na para sa mga taong karapat-dapat, kung mas marami sa kanila ang lalahok sa ating lung cancer screening, maaaring matuklasan natin agad ang mga early cancers at magamot ito. Maganda ang epektong ito.”

Binigyang-diin ng National Health Administration na ang survival rate ng mga lung cancer patients ay mababa, bunga na rin na ang early lung cancer ay walang malinaw na sintomas. Kapag nakita na ng malinaw ang mga sintomas, karaniwang late na ang diagnosis; ang 5-year survival rate ng early lung cancer ay nasa 90% subalit mabilis itong bumabagsak sa fourth stage. Ayon sa Taiwan cancer registration data ng 2020, 1 sa 2 lung cancer patients ay nada-diagnose sa bansa na may fourth stage, at ang mga advanced cases ay nasa mahigit 60%. Hinihikayat ang publiko na sumailalim sa early screening at early treatment.

Comments

Latest Newsmore