:::

Prosecutors: Yilan Sanxing Township Mayor Li Zhiyong kinasuhan ng korapsyon

  • 25 May, 2023
  • 汪馬雪莉
Prosecutors: Yilan Sanxing Township Mayor Li Zhiyong kinasuhan ng korapsyon
Li Zhiyong (gitna), ang mayor ng Sanxing Township sa Yilan County, ay sangkot sa krimeng korapsyon at inilipat ng mga ICAC officials sa Yilan District Prosecutor's Office sa kalagitnaan ng gabi. (Larawan: Central News Agency)

Ipinahayag ng mga prosecutors sa Yilan na si Lee Chi-yong, ang mayor ng Sanxing Township ay nasangkot sa krimeng korapsyon. Matapos ang imbestigasyon, nag-apply siya sa korte ng piyansa kinaumagahan.

Nagsagawa ang Sanxing Township Office ng sightseeing activities gaya ng “Rice Fragrance Festival”, at nagsuspetsa ng pagbunyag ng bidding at pagtanggap ng mga kickback, at ang suspisyon na nagkaroon ng profiting mula sa pagkakapanalo sa bid ng isang partikular na manufacturer. Nagtungo sa public office at iba pang lugar ang Yilan District Prosecutor’s Office at Independent Commission Against Corruption upang maghanap. Si Li Zhiyong, miyembro ng KMT kasama ng mahigit 10 tao mula sa township office at mga manufacturers ay dinala para sa imbestigasyon.

Matapos ang interogasyon sa kalagitnaan ng gabi, napatunayan sina Li Zhiyong, Xiao Zhenyue, director ng agricultural department ng township office, at isang manufacturer na may apelyidong Zhang na sangkot sa mabibigat na krimen. Nag-apply ang prosekusyon sa korte ng detensyon kinaumagahan.

Comments

Latest Newsmore