:::

Tsai, umaasa na susunggaban ng mga negosyo ang mga oportunidad sa post-pandemic world

  • 24 November, 2022
  • 汪馬雪莉
Tsai, umaasa na susunggaban ng mga negosyo ang mga oportunidad sa post-pandemic world
President Tsai Ing-wen says this year's Golden Merchant Award winners come from many areas of expertise. (Photo: CNA)

Umaasa si Pangulong Tsai Ing-wen (蔡英文) na susunggaban ng mga negosyanteng Taiwanese ang mga bagong oportunidad at maipakita ang kakayahan ng bansa sa post-pandemic world. Sinabi ito ni Tsai nang makipagpulong siya sa mga nanalo sa Golden Merchant Award.

Ang mga parangal ay iginagawad sa mga natatanging negosyante, mga tradisyunal na specialty shops, at dayuhang negosyo, at iba pa. Ayon pa kay Tsai, ang mga nagsipagwagi ay nagmula sa iba’t ibang kadalubhasaan at kinikilala rin ng parangal hindi lamang ang mga naging tagumpay ng mga nasabing negosyo kundi pati na rin ang papel na ginampanan ng mga ito sa pagsulong ng industriya ng Taiwan.

Binuksan ng Taiwan ang kaniyang teritoryo ng visa-free noong Oktubre 13 para sa mga karapat-dapat ng mga bisita at hudyat ng pagwawakas ng quarantine. Sinabi rin ni Tsai na umaasa siyang sasamantalahin ng iba’t ibang industriya ng Taiwan ang mga oportunidad na ito upang makipag-ugnayan sa iba pang mga bansa.

Ayon sa pangulo, ang mga pangunahing industriya ng Taiwan ay ang semiconductors, electronics, at pagmamanupaktura, subalit, binigyang-pagkilala rin ng parangal ang iba pang kontribusyon sa larangan ng medical equipment at sportswear. Sinabi ni Tsai na ang iba’t ibang tagumpay na ito ay pagpapatunay ng mga inobasyon ng Taiwan sa larangan ng industriya at pamumuhunan.

Kinilala rin ng parangal ang mga dayuhang kumpanya sa Taiwan na katangi-tangi sa mga industriya gaya ng green energy, pharmaceuticals, at komunikasyon. Pinasalamatan ni Tsai ang mga dayuhang negosyo sa pagbabahagi nito ng kanilang mahahalagang karanasan at pagtataguyod ng pakikipagkalakalan sa Taiwan.

Comments

Latest Newsmore